Pages

Friday, 2 September 2011

Ligaya ng Buhay


Sa wakas may tula na rin akong nagawa para kay TL. Cyempre dahil nagbuhos (ano? naligo? hehehe) ako ng oras (nasa 10 minuto siguro un) para mabuo ito sana magustuhan nya.

ANG TULOG

Sa tuwing ako’y nag-iisa
Di maiwasang makadama
Pagbigat ng aking mga mata
Tulog ay nakahahalina.

Pagkatapos ng gawain sa umaga
Makaminendal man o hindi na
Paghikab sa aki’y makikita
Nais ay laging makapahinga.

Sa tanghali pagkatapos kumain
Pag-upo sa duyan ang gawain
Marahang dampi ng ihip ng hangin
Ang syang humahaplos sa akin.

Sa mayabong na puno na aking kanlungan
Ang init ng araw ay di ko ramdam
Aking idlip ay di ipagpapaliban
Pagkat diwa ko’y unti-unting lumilisan.

Sa takipsilim na may kalamigan
Kasama ko ay aking kaibigan
Walang humpay aming kwentuhan
Tunay na nagbibigay kasiyahan.

Pag antok ay nagparamdam
Mga mata ay biglang lumalamlam
Sa kaibigan ay magpapaalam
Para tulog ay makamtam.

Kaya huwag ninyong pagtakhan
Kung tulog ang aking libangan
Ito ang nagbibigay sa akin ng kaligayahan
Sana ako’y maunawaan at pabayaan.

Tapos na po.... hehehe

0 comments:

Post a Comment